'Di Mo Akalain
Pinoy 3 requirement - sanaysay panlarawan. It's never good enough for the teacher, tho. :| Oh, and if you can't read it, don't ask me what it means. Learn your Filipino. :p
***
Tila’y tunay ang sinasabi na may nilalang sa mundo na kung tawagin ay “soulmate.” Maaaring ito’y matalik na kaibigan, malapit na kapatid o kapamilya, o ang taong minamahal ng isang tao. May isang tao na itinuturi kong “soulmate,” sapagkat siya ay lahat ito, at marami pa. Ngunit animo’y totoo rin ang kasabihang “opposites attract,” o ang siyang magkasalungat ang nagsasama. Sapagkat halos walang katangian niya ay katangian ko rin. Sa halos lahat ng panig, kami’y magkaiba, pero para sa akin ay walang ni isang pagkakaibigan na sinlapit o sinlakas sa amin.
Mahirap isipin na ang taong kamukha niya ay pwede maging kaibigan. Siya’y mukhang maangas at balisaksak; matipunong kulang sa tangkad – malapit sa 5’4” lang. Kung aalalahanin ang alamat ng paggawa ni Bathala sa tao, siya ang nailabas na tama lang ang pagkasunog at pantay ang kaitiman, tunay na Pilipino sa kulay ng balat. Malaki at mabuhok ang kanyang braso at binti, at matigas ang kanyang mga magaspang na kamay at makalyong paa – ang mga naidulot ng kanyang pagsasanay sa tinatawag na “karate-do.” Marami sa kanyang mga kakilala ay di minsa’y natakot na sa kanya at hindi siya gugustuhing lapitan, kundi dahil sa kanyang tanyag na kakayahang sumuntok, ay dahil sa mukhang siya mismo ang magsisimula ng kaguluhan.
Hindi rin nakakapagtataka kung bakit, sa iilang pagkakaton, siya’y inaakalang terrorista o takas ng Muntinlupa, sapagkat ang ulo niya’y para sa basag-ulo, na hugis bloke ng konkretong may kakaunting pagkabilog ang korte, at sintigas nito. Ayon sa isa naming kaibigan, “parang ulo ng patatas” daw ito. Tunay nga na mukhang patatas ito, dahil ang kanyang buhok ay nasa istilong “semi-kal” kung tawagin; nais niya kasing hindi naiinitan o nangangati ang kanyang ulo. Salungat naman sa buhok sa itaas, labis naman ang buhok ng kanyang mukha – hindi lamang makapal na bigote ang mayroon siya, pati na rin makapal na balbas na nakakabit sa makapal na patilya na nasa giliran ng kanyang makapal na mukha.
Sumasang-ayon naman ang ibang bahagi ng kanyang mukha sa imahe ng mandirigma. Ang ilong na ilong ng tunay na dugong-Pilipino ay wari’y nakataas ng kaunti, matapang at dakila, at ang labi’y may kaliitan – kilos bago salita ang naipapalabas. Magaspang ang pisngi at hindi makinis ang mukha, ngunit ang kayrami na mga sugat at kung ano pa sa kanyang mukha ay testimonya sa kanyang pamamatigas, at nakakadaragdag lang sa kanyang kasindak-sindak na delantera.
Ngunit ang pinakakapuna-punang makikita ay ang kanyang mga mata, ang tanging mga bintana sa kanyang tunay na pagkatao. Hindi sila malaki ni hindi singkit – tama lang ang laki para sa tingin ng mamamatay-tao, tingin ng palabiro, tingin ng mapagmahal na kaibigan. Ang makamasid sa loob-looban ng kanyang tingin ay makakakita ng damdaming lumalagablab; isang matapang na liwanag na pumupugay sa dilim. Sa kanyang mga mata’y may ilaw na pantago sa lungkot na kaytagal ay naramdaman ngunit ayaw ibuwal. Sa kabilugan ay nakikita ang galit na umaapoy, ang tuwa na bumubusilak, at ang talino na kumikislap. Ang tagal na pakikipagtunggali, pakikipaglaban sa paghihirap, ay namamasid sa itim at kayumanggi ng kanyang mga mata.
Minamahal ko ang aking kaibigan, sapagkat siya ang sigla sa aking pagkalumbay. Siya ang nagpapatawa at nagpapatuwa sa aking mga araw – ang kasiyahan at kislap sa kadiliman ng aking kalungkutan. Siya ang aking pag-asa at dahilan sa buhay, at ang tumutulak sa ‘kin na tumuloy pa. Ang nailalarawan ko lamang sa sanaysay na ito ay pisikal na katangiang wala ring silbi o kwenta, sapagkat ang kanyang tunay na sarili ay hindi sapat na mailalarawan ng lahat ng salita o sanaysay sa mundo – kinakailangan ang kanyang pagmamahal at pangangaibigan ay maranasan upang lubos na maintindihan.
Sapagkat siya si Carlo, ang aking kuya, minamahal, at matalik na kaibigan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home