10.07.2006

Poem Post 6: Iwas Lingon Iwas (crossposted)

Sa sandaling lumipas na ika'y dumaan
Tapang at malay ako'y nawalan
Ng iyong tingin ako'y tinagusan
Sa salita't galaw ako'y nahirapan

Hindi kita mahal, alam ko iyon
Ngunit 'di maiwasang sa iyo lumingon
'Di na kailangan pang itanong
Para sa 'yo'y sa dagat tatalon

Bigay mo lang ay saya't sakit
Sa tuwing ika'y sa 'kin lalapit
Pag tumitingin ako'y sumasabit
Hindi ko matago ang aking pagkaakit

Tuwing hinahanap at siyang sinusundan
'Di gumagana palpak kong isipan
Nagkataong nagkita, tayo'y nag-iwasan
'Di nagpansinan, kapwa tinalikuran

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home