Onion Skin
Alam niyo ba yung pakiramdam pag feel mo di ka pinapansin ng mundo? Masakit yun. Kwento ko sa inyo, baka kasi di niyo alam...
Pag feel mo di ka pinapansin ng mundo, most likely, totoo nga. Di nga intentional na di ka nila pinapansin, pero, talaga bang tama na lilipas ang isang araw na walang kumakausap sa yo ng matino? Di ba mali yung ganoon? Kahit "Hi" man lang sa mga tao, wala. Pati mga okay lang na tao, naging snob. Alam mo yun? Akala mong kaibigan o kakilala mo, tapos walang paki kapag dadaan ka o hindi. Feeling pag ganun, yung parang mag-isa ka sa lugar na wala kang kilala o maintindihan (eg., nakatayo ka magulong night market ng Xiamen, mag-isa) tapos hinahanap mo ang mga taong sasagip sa pagka-lonely mo. Pag nasa ganitong lagay, ang kaunting ngiti, pinakamaliit na pakikipag-usap, o kahit pagbati ng "Hi!" ay tulad ng pagkakita sa isang kaibigan sa gitna ng mga di mo kilala.
Alam niyo ba yung pakiramdam pag feel mong lumalayo ang mga tao sa inyo? Masakit din yun. Kwento ko rin siya...
Pag feel mong di mo na kilala ang isang tao, siguro dahil di na kayo masyadong nag-uusap, o talagang ayaw ninyo mag-usap, o nawalan talaga kayo ng paki sa isa't-isa. Pero masakit yung ganun kasi alam mo namang magkaibigan kayo dati, tapos di na ngayon. Parang di ka na rin pinapansin nung tao, kahit sa text man lang. Ansakit pag ganyan, lalo na kung mag-kaclose kayo dati... Kung yung taong yun din ang karamay mo sa kung saan-saan... At lalong lalong masakit kapag nakita mong parang pinalitan ka na. Kapag parang ang relationship ng bagong tao at yung dati mong kaibigan ay pareho sa relationship ninyo dati. Mahirap ang magkabalikan na kaibigan, kasi parang noong nagkalayo, nawala na din ang pagiging kaibigan.
At alam niyo ba yung pakiramdam pag feel mong galit sa iyo ang isang kaibigan mo? Masakit din yun. Eto...
Pag feel mong kinamumuhian ka ng kaibigan mo, masakit, kasi kung sino pa ang akala mong makakaintindi ang siyang involved doon sa problema. Kapag di mo rin naman kasalanan, lalong masakit, kasi wala kang ginawa, at kailangan mo pang mag-sorry bago ka niya uli tatanggapin bilang kaibigan. Super sakit naman kapag di mo alam kung bakit siya galit sa iyo, kasi walang paraan upang maging kaibigan kayo uli. Kapag ganito kailangan talaga mag-usap ang dalawa. Eh mahirap naman yun kapag di rin sila nag-uusap. Parang nakawala ka na rin ng kaibigan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home