3.28.2007

Masaya...

...ang makinig sa Good Times With Mo pag Strip Tuesday at alam ng halos lahat ng nasa kotse ang mga ibig-sabihin nung mga strip acronyms, at yung isa iniisip si Maui Taylor na sobrang natatalo sa laro.

...ang mag-picturan lang sa lupa. :D

...ang pumasok sa locker room na may "wet entrance." :P

...ang kumain ng french fries, ng patatas, ng french fries, ng pizza, ng french fries, at magkaroon ng limang baso ng inumin na ang kulay ay nasa iba't-ibang bahagi ng visible light spectrum.

...ang mag-shooting ng love scene sa pagitan ng dalawang nakahiga lang sa mga pool chair.

...ang mag-swimming sa hindi masyadong malalim na tubig na hindi masyadong malamig at hindi rin masyadong mainit, pero may tendency sa warmth, kaya paglabas mo ng pool ay nanginginig ka sa lamig habang nag-aaya ng isa pang kaibigan na magswimming.

...ang mag-ingay sa sobrang sosyal na Palms' Country Club at mangistorbo ng ibang tao. :P

...ang maligo sa shower na may bath soap, shampoo, at conditioner dispensers, tapos gumamit ng swim suit water extractor na parang sasabog 'pag ginamit pa.

...ang humiga lang habang yung iba patalon-talon. >:D

...ang yakapan na recorded na sobrang nakakaiyak tapos biglang may mauuntog. XD

...ang mapag-usapan ang mga kaibigan, minamahal, at ang posibilidad - ang katunayan - ng isang "multiverse."

...ang walang iwanan. :)

2 Comments:

Blogger カタリナ said...

Nice entry. :D

'nuff said.

3/29/2007 12:27:00 AM  
Blogger crookshanks said...

yaaay.
*agrees agrees*

<3 the post, kuya xp
a.s.s. team forever ;)

3/30/2007 02:45:00 PM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home